Добавить новость
ru24.net
News in English
Июнь
2023

FACT CHECK: Walang ‘Marcos account’ na kinuha sa Washington

0

Ang sabi-sabi: Kinuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang umano’y Marcos account kasabay ng kanyang pakikipagkita sa Filipino community sa Amerika noong state visit niya sa Washington, D.C.

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang Facebook video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 82,000 na view at 355 na share sa kasalukuyan. 

Ang nilalaman ng video: Nakalagay sa kabuuan ng video ang tekstong “Nakuha na ang Marcos account.” Gumamit ang video ng ilang clip mula sa programa ng pakikipagkita ni Marcos sa mga Pilipino sa Amerika noong Mayo 1 na kinuha mula sa video recording ng Radio Television Malacañang. 

May ipinakita ring isang dokumentong sertipikasyon umano ng pagkakaroon ng $300 duodecillion na trust deposits na nakalagak sa “siyam na World Bank at pitong International Monetary Fund.”

Ang katotohanan: Sa kabuuan ng halos dalawang oras na programa, walang nabanggit si Marcos hinggil sa sinasabing Marcos account. Maski ang dokumentong sertipikasyon umano ng pagkakalagak ng sinasabing trust deposit ay hindi ipinakita ni isang beses.

Sa halip, umikot ang talumpati ni Marcos sa kanyang papuri sa galing ng mga overseas Filipino worker at pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa. Pinasalamatan din niya ang mga Pilipinong sumuporta sa kanyang kampanya sa nagdaang halalan noong 2022.

Kaduda-duda: Dati nang pinabulaanan ng Rappler ang kaduda-dudang detalye sa sertipikong ipinakita sa video. Pinirmahan umano ang dokumento ni Preston Martin bilang vice chairman ng US Federal Reserve noong Oktubre 4, 1976, ngunit Marso 1982 pa nang maupo si Martin sa nasabing posisyon. Si Stephen Gardner pa ang nakaupong vice chairman sa petsa na pinirmahan umano ang dokumento. 

Dagdag pa rito, ayon sa mga pagtatantiya, nasa $82.6 trilyon lamang ang kabuuang halaga ng pera sa mundo, base sa 2022 infographic mula sa financial media website na Visual Capitalist. Malayo ito sa sabi-sabing $300 duodecillion na trust deposits sa umano’y Marcos account.

Narito ang mga naunang fact check na tampok ang nasabing sertipiko:

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.




Moscow.media
Частные объявления сегодня





Rss.plus




Спорт в России и мире

Новости спорта


Новости тенниса
Янник Синнер

Калинский: Синнер сказал, что приедет к нам на матч «Пари НН»






Суд отправил под арест экс-зампреда правления "Роснано" Бориса Подольского

Арест топ-менеджера «Роснано»: ущерб государству более 43 млрд рублей

С пользою для Отечества. Ульяновский «Мономах» отметил юбилей

Стала известна причина ареста экс-замглавы правления «Роснано» Подольского