Добавить новость
ru24.net
News in English
Апрель
2024

Modyul para sa pagtuturo ng Filipino tampok sa paglulunsad at lektura sa Abril 17

0

Ito ay isang press release mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Magkakaroon ng lektura at paglulunsad ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Modyul sa Pagtuturo ng Filipino Bilang Pangalawang Wika sa Miyerkoles, Abril 17, 1-4 ng hapon, sa Philippine Normal University, Maynila.

Tampok sa paglulusad ang pagbibigay ng lektura nina Dr. Purificacion Delima (Komisyoner para sa Wikang Ilokano ng KWF mula 2013 hanggang 2020) at Dr. Wennielyn Fajilan (propesor at direktor ng UST Sentro ng Salin at Araling Salin), kabilang sa mga awtor na gumawa ng modyul.

Mababasa sa modyul ang mga batayang teorya at praktika na may kinalaman sa pagkatuto at pagtuturo ng Filipino bilang pangalawang wika na makatutulong sa mga guro sa buong bansa.

Bukás at libre ang pagdalo sa online o face-to-face na lektura at paglulunsad. Maaaring magpatalâ sa https://forms.gle/YCoXDiy4TQStCR2n6 o makipag-ugnay sa rcagalingan@kwf.gov.ph.

Hinihikayat ng KWF na dumalo ang mga guro, lalo na ang mga nagtuturo sa labas ng National Capital Region at Luzon. – Rappler.com




Moscow.media
Частные объявления сегодня





Rss.plus
















Музыкальные новости




























Спорт в России и мире

Новости спорта


Новости тенниса