Добавить новость
ru24.net
News in English
Декабрь
2024

[EDITORIAL] Sagipin ang lahat ng ‘Mary Jane’

0

Si Mary Jane Veloso ang mukha ng marami nating kababayan: dukha, walang koneksiyon, high school drop out, at kapit sa patalim na pumatol sa kahit na anong trabaho sa ibang bansa upang mabuhay ang mga anak.

She is every Mary Jane, every overseas filipino worker, every poor Filipina you bump into at the airport, looking lost and uncertain. 

Hindi nila alam ang kinabukasang sasapitin sa dayuhang bansa kung saan sila’y isang kasambahay — na ang translation sa ibang amo ay “alila.” Unescorted, therefore “dishonored” sa mata ng kulturang piyudal ng Middle East — bulnerable sila sa sexual abuse at rape.

Pagdating sa destination country, hindi nila alam ang kahulugan ng pagkuha ng passport nila ng kanilang amo: na hindi na sila makalilipat ng trabaho, hindi makaaalma sa abuso, at hindi makakapalag sa overwork. Wala silang agency na ipaglaban ang karapatan sa harap ng iligal na kalakaran na ito dahil mistula na silang hostage sa isang unfamiliar household sa isang unfamiliar country.

Pero paminsan-minsan, may mga kuwento ng pag-asa at pagmamalasakit sa kapwa.

Saving Mary Jane” ang tawag ng Rappler sa makasaysayan at marahil isa sa pinakamatagumpay na pagkakapit-bisig ng gobyerno, civil society, traditional media at social media. 

Dahil sa maagap na pagresponde ni dating Department of Foreign Affairs secretary Albert del Rosario at dating presidente Benigno Aquino III, nagkaroon ng stay of execution si Mary Jane. 

Sa katunayan, nag-break ng protocol si Pangulong PNoy nang tawagan niya ang Indonesian foreign minister (dapat counterpart lang niya ang kinakausap niya) upang mapigilan ang pag-firing squad kay Mary Jane. (BASAHIN: Aquino ‘broke protocol’ to save Mary Jane Veloso)

Pero hindi ito dahil lamang sa gobyerno na nagpamalas ng political will — dahil din ito sa groundswell ng support sa Pilipinas na umugong sa social media, at sa traditional media na nagpokus ng atensiyon kay Mary Jane bilang tao at hindi istatistika lamang.

Habang nagsusumikap ang then-president PNoy na humanap ng diplomatic solution upang mapigilan ang execution, napuno ang signature campaign na naglalayon ng clemency para kay Mary Jane. 

Sampung taon na sa kulungan si Mary Jane Veloso — at dahil sa ipinunla ni Del Rosario at Aquino malapit nang makabalik ng bansa si Mary Jane at abot-kamay na ang clemency.

Hindi rin kumpleto ang picture kung hindi babanggitin ang follow through ng Department of Migrant Workers (DMW) at Foreign Affairs sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Natawid ang hamon ng panahon (10 taon!), international borders, at magkakatunggaling politikal na kampo upang palayain ang isang babaeng biktima ng tadhana, lipunan, at maging ng kanyang kababata.

Pero nasalba man ang poster girl ng pang-aabuso sa OFW, nariyan pa rin ang sandamakmak na nagantsong OFW na ibinigay ang life savings sa illegal recruiter. Andiyan pa rin ang mga nagtitiis sa ibang bansa sa maliit na sahod, hindi makataong labor conditions, at hindi makatarungang mga kaltas ng agency. (BASAHIN: Part 1 Foreign brokers profit from deploying Filipino farmers to Korea as LGUs let them at Part 2 Away from spotlight, illegally recruited OFWs find aid, justice elusive

Sabi mismo ni DMW Secretary Hans Cacdac, patuloy na nabibiktima ang mga OFW dahil sa salat ang government intervention sa grassroots level. (BASAHIN: Curbing illegal recruitment at grassroots level a challenge for DMW)

Pero ang tunay na tagumpay ay buwagin ang mga sindikato, ikulong ang illegal recruiter, at tiyaking pangangalagaan ng host country ang mga OFW. 

Better yet, pag-ibayuhin ang job opportunities sa Pilipinas, Pangulong Marcos, upang hindi na mangibang bayan ang mga ina’t ama ng tahanan. 

Tigilan na rin ang pagro-romanticize sa OFW bilang bayani — dahil ang katotohanan, bansa tayo ng traumatized OFW at motherless generations. – Rappler.com 




Moscow.media
Частные объявления сегодня





Rss.plus




Спорт в России и мире

Новости спорта


Новости тенниса
Даниил Медведев

Медведев проиграл 121-й ракетке мира на Australian Open






Стало известно имя лотерейного миллионера новогоднего розыгрыша «Русского лото» из Тамбовской области

Появилось видео смертельного ДТП со взорвавшейся около шоссе Энтузиастов машиной

Команда Темрюкского района 2007-2012 годов рождения примут участие во Всероссийских соревнованиях по быстрым шахматам среди обучающихся проживающих в сельской местности и малых городах России в Удмуртской Республике с 19 по 22 января 2025 года.

«Это ложь и клевета»: в КПРФ объяснились за мероприятие в немецкой военной форме