Добавить новость
ru24.net
News in English
Декабрь
2024
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31

[EDITORIAL] Ang ‘unprotected speech’ ni Lorraine Badoy

0

Sa mga ganitong pagkakataon, ang daling sabihin, “’Yan ang karma mo, Lorraine Badoy.”

Pero hindi karma kundi pawis at dugo at matiyagang paghihintay ang ipinuhunan ng mga abogado, journalists, at civil society upang maipanalo ang game-changing na kaso ng red-tagging laban kay Lorraine Badoy at kapwa host nito sa SMNI na si Jeffrey Celiz.

Tinatawag na game changer and desisyon ng Quezon City Regional Trial Court Branch 306 dahil ito ang unang paggamit sa isang civil case ng depenisyon ng Korte Suprema na ang red-tagging ay “threat to one’s constitutional right to life, liberty and security.”

Serial killer ng katotohanan si Badoy at may trail ng kasinungalingan siyang iniwan:

  1. Nanawagan ng karahasan si Badoy laban kay Manila Judge Marlo Magdoza-Malagar at kanyang pamilya matapos ang isang kontrobersiyal na desisyon. Ipinagtanggol naman ng Korte Suprema ang huwes nito, at hinatulan si Badoy na “guilty of indirect contempt.”
  2. Ipinalaganap ni Badoy at Celiz ang isang unconfirmed report sa travel expenses ni House Speaker Martin Romualdez, na nakabatay sa isang unnamed source. Ipinakulong siya ng mga kongresista noong Disyembre 2023 dahil sa pagsisinungaling.
  3. Inatake niya ang fact checkers tulad ng Rappler at Vera Files na nag-fact-check ng mga kasinungalingan niya. Sabi ng Movement Against Disinformation (MAD), “We should never allow this public official to abuse the powers of her office.”
  4. Inatake niya ang Angat Buhay, ang non-governmental organization na itinayo ni dating bise presidente Leni Robredo.

Ilang halimbawa lang iyan ng kamandag ni Badoy, at sa push-back na ipinamalas ng mga institusiyon, journalists, at abogado.

Sa mundo na pinamumugaran ng disinformation, words can kill. Isang dating opisyal ng gobyerno si Badoy at malawak ang impluwensiya niya, lalo na sa mga supporter ng pamilya Duterte. Mapanganib ang mga binitawan niya dahil maaari itong mag-translate sa real world actions.

Sabi ni Badoy, “So if I kill this judge and I do so out of my political belief that all allies of the CPP NPA NDF must be killed because there is no difference [in my mind] between a member of the CPP NPA NDF and their friends, then please be lenient with me.”

Mahalaga ring maintindihan natin ang taktika ni Badoy, na ginagamit ang freedom of expression upang patayin ang freedom of expression.

Ipinaliwanag ni Dean Tony La Viña na protektado ng Konstitusyon ang karapatan ni Badoy na hindi sumang-ayon. Pero, ayon na mismo sa Korte Suprema, attacking judges is unprotected speech. Ang pag-atake o pananawagan ng karahasan laban sa mga kritiko, kasalungat ng opinion, at kalaban sa pulitika ay unprotected speech. (BASAHIN: Badoy’s red-tagging and freedom of expression)

Sabi pa ni La Viña, “Freedom of speech, while sacrosanct, finds its limits at the doorstep of responsibility.”

Sabi rin ng Supreme Court, hindi in-exercise ni Badoy ang right to freedom of expression, sa halip ay inabuso niya ito. At ’yan ang red line na tinawid ni Badoy. – Rappler.com




Moscow.media
Частные объявления сегодня





Rss.plus




Спорт в России и мире

Новости спорта


Новости тенниса
WTA

Вероника Кудерметова поднялась на одну строчку в рейтинге WTA






Официально: московское «Динамо» подписало Подъяпольского до конца сезона

Ефимов: на юго-востоке Москвы выделили свыше 25 га земли для строительства производств

Суд арестовал катер и элитные автомобили бывшего замминистра обороны Иванова

Генерал Кириллов погиб при взрыве в Москве